
Audistas,
Let’s congratulate the Couple of the Month for the month of August, Pragmatic and Bonanza Check out their kilig love story below

How long have you been playing ANL as a couple?
Since July 2023
Tell us your LOVE Story
From in-game to real life couple. Nagkakilala kame before sa isang fam, from fam mates to friends. And the friendship grows, and we became closer because of our common close friends. We have the same kakalogan and trippings that time, and madalas kaming halos magkakasama sa bonding ng fam if na titimingan na free din sya. Don ko sya nagustuhan kasi parang same kame ng pagka kalog and attitude. Haha! And then lumipas and mga araw, madalas na kameng magkachat, kakwentuhan ng kung ano ano etc. parang walang araw na di kame nagtatawanan sa chat or tawag. Hanggang sa nagkakayayaan na kameng mag labas labas bonding, inuman with friends, nuod sine, hanggang sa dumating sa point na nag dadate na kami kasi kami nalang dalawa. Hanggang sa naging comfort zone ko sya at mga friends namin, until I realize na unti unti ko na syang nakikilala, lumalalim yong mga days na napag uusapan namin and nagugustuhan ko na sya. Then several months have passed, niligawan nya ko and sinagot ko sya. Madalas kameng magkasama, pag mag kasama kame parang kulang yong isang araw sa bonding namin hahaha! Actually di pa kame legal agad non kasi nahiya ako sa parents ko magpakilala ulet ng bago , akala ko kasi di kame magwowork or baka after a month or months magbrebreak din kame kaya patago kameng nagdadate. Then di namin matiis na magtago after 5 months pinakilala ko na sya. Naging okay naman parents ko nakilala nya naman at nagustuhan sya at ganon din mother nya saken naging close ko na din. ♥️ Then napag usapan na din naming magpakasal dahil sa sobrang mahal na namin ang isat isa at dahil sa araw araw magkasama kame as live in ay yon din naman plano namin in the future at pakiramdam namin kami na tlga, so yon we decided na magpakasal na nga this year. Hanggang etong July 2024 1yr na kami, and this month din ikakasal na kami sa July 21. omg I can’t believe na makikita ko sa larong to yong magiging forever ko na! ♥️♥️ My heart is full, and I am forever grateful that I find the happiness, love and peace that i deserve. I finally found the one who will love me until the day I live, for richer or poorer, in sickness and health. ♥️ Happy 1st Anniversary Pragmatic! From game couple, to real life couple forever! ✨♥️
Ps: wag kayo sumukong mahanap ang forever dahil malay mo na sa audi lang yan!! ♥️

CONGRATULATIONS TO OUR NEWLY WED, Pragmatic and Bonanza
Want to be featured next? Fill up this form now~ Link

Happy Dancing! 


Join our Community here
- Philippines
- Singapore and Malaysia